Cauayan City, Isabela- Namahagi ng leaflets ang pwersa ng 17 Infantry (Do or Die) Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army sa kanilang ginawang aerial reconnaissance sa ilang bahagi ng Lalawigan ng Cagayan kahapon.
Pinangunahan ni Lieutenant Colonel Angelo C. Saguiguit, Battalion Commander ng 17th IB ang aktibidad particular sa bayan ng Sta. Ana, Baggao at Peñablanca.
Ayon sa grupo ng sundalo, layunin ng kanilang aktibidad na makita rin ang kalagayan at seguridad ng mga naninirahang pamilya sa Cagayan lalo na sa mga apektadong lugar.
Sa kanilang pag-iikot sa himpapawid, umabot sa 1,500 leaflets ang kanilang naipamahagi na naglalaman ng mga impormasyon sa programa ng gobyerno na Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na posibleng makatulong sa mga rebelde nan ais ng magbalik-loob sa pamahalaan para sa mamuha ng payapa.
Sa huli, matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad dahil na rin sa tulong at suporta ng Philippine Air Force-Tactical Operations Group 2.