Libu-libong manggagawa, maapektuhan sa pagsasara ng Mighty Corp

Manila, Philippines – Libu-libong mga manggagawa ang maapektuhan kapag ipinasara ang Mighty Corporation na nahaharap sa tax evasion case.

Tinayang aabot sa 6 na libong direct at indirect employees at 55 libong magsasaka ng tabako ang ang mawawalan ng trabaho.

Ikinakabahala ni House Committee on Labor and Employment Chairman Randolph Ting ang magiging sitwasyon ng mga empleyado at magsasaka na mawawalan ng trabaho lalo na ang mga matatagal na sa nasabing cigarette company.


Malaki aniya ang magiging implikasyon at negatibong epekto nito sa ekonomiya at sa sektor ng paggawa.

Kinukumbinsi na rin ng chairman ng komite ang Bureau of Internal Revenue na suportahan na lamang ang posisyon ni Pangulong Duterte na pumasok sa out of court settlements sa mga kumpanyang nahaharap sa kasong tax evasion.

Nauna dito ay nagbanta si BIR commissioner caesar dulay na ipasasara ang Mighty Corporation dahil sa laki ng hindi nabayarang buwis.

Giit ni Ting, bagama’t nararapat na parusahan ang kumpanya, hindi naman tamang kanselahin ang kanilang operasyon lalo’t may utos na ang Pangulo para sa out of court settlement.

DZXL558

Facebook Comments