Legislative agenda ng senado para sa susunod na 5 linggo, tinalakay sa pagbisita ng ilang minority senators kay Senator De Lima sa PNP Custodial Center

Manila, Philippines – Tinalakay sa loob mismo ng PNP Custodial Center sa Camp Crame ng apat na minority senators at ang nakakulong na senadora na si Senator Leila De Lima ang legislative agenda ng senado para sa susunod na limang linggo.

Ito ay makaraang bumisita sa PNP Custodial Center ang minority senators na sina Senator Antonio Trillanes IV, Senator Kiko Pangilinan, Senator Risa Hontiveros, at Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon kaninang pasado alas onse ng tanghali na tumagal ng halos isang oras.

Ayon kay Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon, nais nilang kasama si Senator De Lima sa pagtalakay ng mga agenda na tatalakayin ng senado lalo na ang mga critical issues katulad ng death penalty bill.


Gusto aniya nilang kapag dumating na sa senado ang death penalty bill ay hihilingin nila sa korteng makadalo sa session at committee hearing ang senadora upang makapagbigay ng kanyang mga opinyon lalo na sa hearing at deliberation ng death penalty bill.

Naniniwala si Senator Drilon na nararapat na makadalo sa mahahalagang session ang senadora lalot inihalal ito bilang senador ng bansa.

Sila aniya mismo ang magsasampa ng petisyon sa korte o pwede rin gawing ni Senator De Lima para lamang makadalo ito sa mahahalagang deliberation sa senado.

DZXL558

Facebook Comments