Stress ni Senator De Lima, nabawasan mula ng mabilanggo ayon kay Senator Pangilinan

Manila, Philippines – Nabawasan ang stress ni Senator Leila De Lima na ngayon ay dalawang buwan ng nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Ito ang pahayag ni Senator Francis Kiko Pangilinan matapos na bisitahin nila mismo ang senadora kaninang tanghali.

Ayon kay Pangilinan, wala na raw kasing hawak na ipad celphone at laptop ang senado,r sa halip malimit na lamang itong magbasa lalo na ng dyaryo.


Sinabi naman ni Senator Risa Hontiveros, na kasama rin sa dumalaw kanina kay Senator De Lima, na mas madalas na nagbabasa ng bibliya si De Lima, malimit din itong nagi-ehersisyo.

Ngayon aniya, ay mas nakakain na ito sa tamang oras habang tuloy tuloy ang pagbabasa ng kung anumang babasahin lalo ng mga balita na nagiging dahilan kung kayat agad itong nakakapagbigay ng pahayag lalo’t kung siya ang pinapatungkulan nito.

DZXL558

Facebook Comments