Libu-libong Sako ng Aning Palay na Nabili ng NFA Isabela, Pumalo sa 260,000

Cauayan City, Isabela- Tiniyak ng pamunuan ng National Food Authority (NFA) region 2 na tuloy-tuloy pa rin ang pagbili ng mga naaning palay mula sa mga magsasaka.

Ayon kay Elimar Regindin, OIC Asst. Regional Director, umaabot na sa 260,000 sako ang nabiling palay ng ahensya mula sa mga magsasaka sa lalawigan ng Isabela.

Katumbas lamang ito ng nasa 2-3% na higit na mababa kung ikukumpara sa kabuuang produksyon ng mga nabiling palay.


Inamin din ng opisyal na may kakulangan din sa logistics o mechanical dryer dahilan para hindi maabot ang dagdag na porsyento sa mga bibilhing palay sa mga magsasaka.

Isa rin itong dahilan kung bakit mababa ang bilang ng mga nabibiling palay ng mga trader’s kung kaya’t dagsaan ang pagbebenta ng mga ito sa ahensya.

Ayon pa kay Regindin, nasa 50,000 bags lang ang nabiling palay sa mga magsasaka mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo.

Sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na pahintulot ang NFA central office kung maaari ng mamili ng stone damage palay mula sa mga magsasaka.

Nagsagawa naman ng hakbang ang ahensya na paghingi ng tulong para magamit ang calamity fund ng tanggapan ni Pangulong Duterte para sa ganitong sitwasyon ng mga magsasaka na apektado ng mga nagdaang kalamidad.

Nilinaw naman ng NFA na tumatanggap pa rin sila ng mga basing aning palay maliban sa mga dry.

Samantala, itinanggi rin ng opisyal ang paratang ng grupong DAGAMI sa umano’y pagbili ng NFA ng mga palay mula sa mga traders dahil tanging sa mga local farmers lang binibili ng ahensya.

Hinihimok naman ng opisyal ang lahat ng magsasaka na direktang makipag-uganayn sa kanila para sa mag ibebentang palay.

Facebook Comments