Friday, April 10, 2026

Lider at isang myembro ng CTG, nasawi sa engkwentro ng militar; mga mataas na kalibre ng baril, narekober

Dalawang myembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang nasawi sa naging engkwentro sa militar sa T’boli, South Cotabato, kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Anthony Narvasa, alyas “Magaw,” na nagsisilbing Secretary ng Far South Mindanao Region o FSMR at si Rosa Kian, na kilala sa mga alyas na “Mutya” at “Roxanne.

Ayon sa Commander ng 603rd Infantry Brigade na si Brigadier General Michael A. Santos, si Magaw ay nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal kabilang ang multiple attempted homicide, murder, at attempted murder.

Kaugnay nito, narekober sa isinagawang clearing operations ang apat na M16 rifles at isang R4 rifle mula sa pinangyarihan ng engkwentro.

Facebook Comments