Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, karapat-dapat na mapasama sina dating senador Leila De Lima at Atty. Chel Diokno sa House Prosecution Panel para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Diin ni Romualdez, hindi matatawaran ang legal expertise nina De Lima at Diokno gayundin ang marubdob nilang pagsusulong ng katarungan, pagiging mabuting public servants, pagtataguyod sa rule of law at pagprotekta sa ating mga democratic institutions.

Tiwala si Romualdez na ang nakatakdang pakikibahagi nina De Lima at Diokno sa prosecution team ay magpapalakas sa kredibilidad, balanse, at lalim ng impeachment process na alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon.

Uupo si De Lima sa Kongreso bilang kinatawan ng Mamamayang Liberal (ML) Party-list, habang kinatawan naman si Diokno ng Akbayan Party-list, na kasalukuyang nangunguna sa party-list election.

Facebook Comments