PBBM, hindi itinutulak ang impeachment ni VP Sara sa kabila ng bagong komposisyon ng Senado

Itinanggi ng Malacañang na itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang impeachment ni Vice President Sara Duterte matapos ang naging resulta ng midterm elections.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sa simula pa lamang ay walang kamay ang pangulo para isulong ang pagpapatalsik sa puwesto laban sa bise presidente.

Bagama’t may bagong komposisyon na aniya sa Senado, hindi totoo ang mga ulat na kumpyansa ngayon ang administrasyon na mapapatalsik si VP Sara sa pwesto at wala ring kahit anong pag-uusap tungkol dito.

Giit ni Castro, ang pangunahing layunin ngayon ni Pangulong Marcos ay ang pagkakaisa ng mga bagong halal na opisyal, anuman ang kanilang partido.

Dapat aniyang unahin ang kapakanan ng mamamayan at hindi ang pansariling interes o para sa kaibigan lang.

Facebook Comments