Lieutenant General Cirilito Sobejana, ipinagpasalamat sa Pangulo ang pagkakatalaga sa kanya bilang ika-55 AFP Chief of Staff

Nagpasalamat si Philippine Army Commanding General Lieutenant General Cirilito Sobejana kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang italaga bilang susunod na AFP Chief of Staff.

Sa isang statement sinabi ni Sobejana na isang malaking karangalan sa kanya na paglingkuran ang taumbayan at pagkatiwalaan ng Pangulo ng responsibilidad na pamunuan ang sandatahang lakas.

Siniguro ni Sobejana na mamumuno siya sa AFP ng may dedikasyon para matagumpay na magampanan ng AFP ang kanilang misyon.


Nanawagan naman si Sobejana sa buong hanay ng militar na patuloy na isulong ang professionalism para mapangalagaan ang seguridad ng mga Pilipino at buong bansa.

Si Sobejana ay pormal na uupo bilang ika-55 AFP Chief of Staff sa pagreretiro sa serbisyo ni AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay sa February 4.

Facebook Comments