Tuesday, November 10, 2026

Pagbawi ng kamara sa ipinasang proposed 2027 national budget para itama, isinulong ng Makabayan Bloc

Inihain ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc ang House Resolution number 1583 na nagsusulong na i-recall o bawiin ng House or Representatives para itama ang ipinasa nitong House Bill 10858 o proposed 2027 General Appropriations Bill na kinapapalooban ng pambansang budget.

Giit ito sa Liderato ng Kamara nina Partylist Representatives Antonio Tinio ng ACT Teachers, Sarah Elago ng Gabriela at Renee Co ng Kabataan kasunod ng pasya ng Supreme Court na labag sa Konstitusyon ang Lump Sum Allocations sa 2024 at 2025 hanggang 2026 national budget.

Kabilang sa mga tinukoy ng makabayan bloc sa resolusyon na lump sum sa 2027 GAB ang ₱58.53-billion Local Government Support Fund at iba pang closed door ammendments na ginawa ng Budget Amendments Review Subcommittee na may kabuuang halaga na ₱116 billion.

Sina Tinio, Elago at Co ay bomoto kontra sa pagpasa ng Kamara sa panukalang 2027 National Budget dahil giit nila, ito ay puno ng pork insertons habang hindi makatwirang kinaltasan ang pondo para sa sektor ng kalusugan, edukasyon, agrikultura, at benepisyo ng mga empleyado.

Giit ng Makabayan Bloc, bilang remedyo ay dapat itong bawiin at baguhin o itama ng kamara sa halip na itanggi.

Facebook Comments