LIFTED NA | Daraga at Legazpi City, may pasok na ngayong araw

Albay – May pasok na ngayong araw ang mga estudyante sa Daraga at Legazpi City sa Albay matapos maapektuhan ng pag- aalburuto ng bulkang mayon.

Ayon kay Albay Governor Al Francis Bichara, lifted na ang class suspension sa lahat ng public at private schools.

Pero suspendido pa rin ang klase sa lahat ng lebel sa mga lugar sa Mi-Isi, Budiao, Bañadero, Matnog, Alcala at Salvacion.


Wala ring pasok sa elementary level sa Villahermosa, gabawan habang elementary hanggang high school sa Anislag at Bascaran.

Maaari namang lumiban sa klase ang mga mag-aaral na nasa evacuation center pero kailangan nilang pumasok sa make-up class.

Facebook Comments