Liga ng Barangay President ng Surigao City ikinatuwa na walang eleksiyon sa Mindanao Ikinatuwa ni Pablo Bonono Jr., ang Liga ng Barangay President ng Surigao City ang kumpirmasyon ng Election Officer Gina Taer na walang Brgy. at Sangguniang Kabataan election dito sa Mindanao epekto ng ipinatutupad na Martial Law. Tinukoy ni Bonono, sa COMELEC Officer mismo nanggaling ang balita na sila’y nasa hold over capacity kaya kung anong nakasaad sa batas, lahat ng mga Brgy. Captains ang susunod. Dagdag pa nito, noong nagsagawa sila ng pagtitipon sa Liga ng Barangay sa buong Surigao Del Norte tinalakay nila ang isyu sa pagsasagawa ng eleksiyon sa mga Ex-Officio members ngunit diumano’y nakasaad sa By-Laws ng Liga ng Brgy. na makasagawa lamang sila ng eleksiyon kung may bagong napili na mga brgy. officials. Wala namang eleksiyon at wala ring napili na mga bagong Brgy. Captains kaya nasa Hold Over capacity din ang mga opisyales ng Liga ng Barangay.
Liga ng Barangay President ng Surigao City ikinatuwa na walang eleksiyon sa Mindanao
Facebook Comments