LIGTAS NA | 17 menor de edad na biktima ng human trafficking, nasagip ng NBI

Antipolo City – Na-rescue ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labing-pitong menor de edad na biktima ng human trafficking sa isang private resort sa Antipolo City.

Nasa edad 13 hanggang 17-anyos ang mga biktima na pawang mga residente ng lungsod ng Maynila.

Naaresto naman sa operasyon ang apat na suspek kabilang ang isang 16-anyos na nagsisilbing bugaw ng mga menor de edad.


Ayon sa NBI Anti-Human Trafficking Division, idinadaan ng mga suspek sa facebook ang pag-aalok ng serbisyo.

Tatlong libong piso ang pinakamura habang ang pinakamahal ay aabot sa P25,000.

Nasa kustodiya na ng NBI headquarters ang mga menor de edad habang isinasalang sa imbestigasyon ang mga suspek.

Facebook Comments