MGA RECREATIONAL ACTIVITIES SA BAYAN NG ALCALA, BAWAL MUNA

16

Bawal na ang mga recreational activities sa coastline ng Agno river sa munisipalidad ng Alcala. Ito ay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa lugar.

Sa bisa na nilagdaan ng alkalde ng bayan na si Mayor Jojo Callejo na Executive Order no. 8, series of 2021 o ang pagbabawal sa mga aktibidad gaya ng pagsuswiming, pagpipicnic at ang pag inom ng alak ng mga grupo ng indibidwal sa Boraoac Eco-Park at sa loob ng bahagi ng Agno River sa nasabing bayan.


Ang utos na ito ay epektibo sa kahapon Mayo 24 at isang hakbang ng pamahalaang lokal ng Alcala upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng nakakahawang sakit na COVID-19 sa bayan.

Samantala, sa huling tala ng Provincial Health Office o PHO, mayroon pang labing-apat na natitirang aktibong kaso ang naturang bayan.

Facebook Comments