Lima katao, arestado matapos mahuling nagsusugal; droga, ginagawang pantaya

94

Manila, Philippines – Arestado ang limang katao matapos mahuling nagsusugal
at makuhanan pa ng droga sa Barrio Panopio, Brgy. Kaunlaran sa Cubao,
Quezon City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Robert Plan, Mac Leo Lumibao, Feliteo
Liwag, Dexter Bitasolo na pawang nasa drug watch list at Mark Oliver Inolva
na dati naman sumuko sa oplan tokhang.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang bulto ng hinihinalang shabu na may bigat
na mahigit 10 gramo na nagkakahalaga ng P25,000.

Ayon sa QCPD station 7, isang concerned citizen ang tumimbre sa kanila
kaugnay ng ginagawang cara cruz sa lugar kung saan napag-alaman na ginawa
din nilang pantaya ang shabu.

Bukod sa iligal na droga nakuha rin ang perang aabot sa P3,750 at dalawang
cell phone.

Facebook Comments