Lima katao, nasugatan sa sunog sa Maynila; 5-milyong halaga ng ari-arian, natupok

Umabot sa siyam ang nasugatan sa sunog kanina sa Sylvia apartment sa Sylvia st, cor. San Marcelino St. sa Ermita, Maynila.

 

Kinilala ni Manila Fire Marshal Rae Sumedca ang apat sa mga nasugatan na sina Senior Fire Officer ricky sedeno, Octagon Fire volunteer Noel Nato, at mga sibilyan na sina Jerome Abalayon at William Andrade.

 

Isa ring babae ang hinimatay sa kasagsagan ng sunog na umabot sa ikalimang alarma.


 

Lumalabas na Sa ikatlong palapag ng dormitoryo ng Sylvia apartment  na pag aari ng isang Lope Consing, nagsimula ang sunog

 

Nadamay din sa sunog ang sampung establishments sa lugar at 150 mga pamilya ang naapektuhan nito.

 

Umaabot sa limang milyong halaga ng ari arian ang napinsala sa sunog.

 

Bunga ng sunog, sinuspinde rin ang klase sa Adamson University na nasa likuran lamang ng natupok na apartment.

Facebook Comments