Limampung mahirap na driver, nakinabang sa E- trike livelihood sa lungsod ng Maynila

Manila, Philippines – Nakinabang ngayon ang nasa 50 na unang batch ng mga driver beneficiaries sa Binondo,Maynila sa E-trike o electric brand new eco-friendly trikes na ipinamahagi ng pamahalaang panglungsod .

Layunin ng E-trike project ni mayor Joseph Estrada na bigyan ng alternatibong kabuhayan ang may 1,500 legally franchised tricycle drivers.

Ang E-trikes ay babayaran sa ilalim ng “boundary-hulog” system, o P250 per day sa loob ng apat na taon na walang kaukulang interest.


Sagot din ng lokal na pamahalaan ang bayarin sa charging ng baterya ng E-trikes’ .

Sa pamamagitan nito ay mabubura ang may 25,000 colorum tricycles, pedicabs at “kuliglig” na nag ooperate sa lungsod ng maynila.

Unti unting nitong ipi phase out ang lumang tricycle na pinagagana ng fuel na makakatulong naman para mabawasan ang polusyon sa hangin.
Mike Goyagoy

Facebook Comments