San Mariano, Isabela – Apat sa limang bahay ang buong tinupok ng apoy sa naganap na sunog kahapon sa oras na alas dyes y medya ng umaga sa Purok 1, Barangay Cataging, San Mariano Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Senior Fire Officer 3 Jaymar Domingo ng BFP San Mariano, na lumang main switch ng koryente ang pinagmulan ng sunog kung saan ay pumutok ito na nakakabit pa sa isang kahoy at buho.
Sinabi pa ni Fire Marshall Domingo na magkakadikit , gawa sa kahoy at kalahati lamang ang kongreto sa limang bahay na naging dahilan ng mabilis na pagkalat ng sunog.
Tumagal ng dalawang oras bago naideklarang fire out ang sunog dahil sa mahirap marating at may kalayuan umano ang lugar para sa pagresponde ng BFP San Mariano at Benito Soliven.
Ayon pa kay Senior Fire Officer 3 Domingo, umabot sa isang milyon ang napinsala sa sunog dahil sa may mga pera umanong itinago ang pamilya Asera,Binasoy, Pasicolan at Andres.
Samantala tinulungan na ng barangay, ilang ahensya at indibidwal ang limang pamilya para sa kanilang mga importanteng pangangailangan.