Naglabas ng advisory ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagbabawal sa paghango at pagkain ng shellfish sa limang baybaying dagat sa bansa.
Sakop ng shellfish ban ang coastal waters ng Milagros sa Masbate, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Mananatili ang shellfish ban hanggang mataas ang toxicity level ng tahong, talaba, hipon at iba pang bivalve products sa mga nabanggit na coastal waters.
Facebook Comments