Limang itlog ng dinosaur, nahukay sa China

China – Ilang itlog ng Dinosaur na tinatayang nasa 70 milyong taong gulang ang natagpuan sa isang construction site.

Ang mga fossilized egg na nahukay sa lalim na 8-metro ay pinaniniwalaang galing sa mga plant-eating phytophagous dinosaurs na pinaniniwalaang nabuhay 65 milyong taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Qui Licheng, limang itlong ang nahukay nila pero tatlo dito ay basag na.


Ang mga nasabing itlog ay kasalukuyan nang pinag-aaralan sa isang museo sa Foshan.
Nation

Facebook Comments