Manila, Philippines – Arestado sa isinagawang buy-bust operation ng Northern Police District – Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) ang lima katao na nahulian ng 2 milyong pisong halaga ng shabu sa Caloocan City.
Ayon kay Police Senior Inspector Cecilio Tomas Chief ng NPD-DDEU, nagsimula ang operasyon sa Monumento Caloocan kung saan unang naaresto ang mga suspek na sina Abegail Tonco, 36 anyos, at Kate Elnas, 39 anyos.
Nakuha sa dalawa ang 100 gramo ng iligal na droga.
Ayon kay Sr. Inspector Tomas, humantong sa Pasay City ang operasyon kung saan dito na naaresto ang source ng mga suspek sa iligal na droga na si Melvin Galicki, 25 anyos.
Aabot sa kabuuang 800-gramo ng shabu na may street value na 2 milyong piso ang nasamsam sa mga suspek.
Kasama ring naaresto ang dalawang iba pa na kinilalang sina Ruben resurrecion at Arthuro Pengson.
Aminado naman ang mga suspek na matagal na sila sa kalakalan ng illegal drugs sa FB Harrison Pasay City at balak nilang palawakin ang operasyon ng ilegal na droga sa CAMANAVA Area.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act ang isasampang kaso sa mga suspek.