Marawi City, Philippines – Arestado ang limang katao na sinasabing magnanakaw na sumasalisi sa mga abandonadong bahay matapos ang isinasagawang clearing operations sa Marawi City.
Ayon kay Senior Supt. Marlon Tayaba, battalion commander ng regional public safety batallion ng PNP-ARMM – natimbog ang mga suspek sa war zone sa bayan sa Dansalan.
Kwento naman ng isa sa mga suspek na si Jesus Cello – nagtatrabaho siya at ang apat niyang kasama bilang panday sa Marawi nang maipit sila sa bakbakan.
Wala silang magawa kundi magtago sa iba’t-ibang mga bahay.
Inamin naman ang suspek na may kinuha silang pera sa mga dinaanan nilang bahay.
Bukod sa pera, nakumpiska sa mga suspek ang ilang cellphone, alahas at kalibre-45 baril.
Iniimbestigahan na kung mga miyembro sila ng maute.
Sa huling tala ng PNP, aabot na 14 ang inaresto dahil sa pagnanakaw sa lungod.
DZXL558