Marawi City, Philippines – Isinasailalim na sa debriefing ang limang Pulis Marawi na kanina lamang umaga na-rescue ng pinagsanib na puwersa ng Militar at Pulisya sa halos tatlong linggo na nilang pagkakaipit sa matinding bakbakan sa lungsod.
Ayon kay PCSUPT Reuben Theodore Sindac – Regional Director ng PRO ARMM, nasa pangangalaga na ng Lanao Sur Provincial Police Office ang limang Police.
Anumang impormasyon na makukuha sa mga ito ay maaring makatulong sa kasalukuyan pang krisis sa Marawi.
Ang limang nailigtas kaninang a las 6:30 ng umaga malapit sa Bangolo Bridge, Marawi City ay sina:
PO3 Ricky S. Alawi,
PO1 Ibrahim P. Wahab,
PO1 Lumna B. Lidasan,
PO1 Esmael M. Adao,
At PO1 Bernard A. Villariz.
Noong June 4, una nang nakaligtas ang isa pang pulis na si PO2 Khomeinei Mamalapat.
Sila ay naipit sa bakbakan na nagsimula noong May 23 nang sumalakay ang grupo ng Maute at ASG sa Marawi City.
DZXL558