Pagbuo ng pinakamalaking Human Philippine Flag sa bayan ng San Enrique, Iloilo – naging matagumpay

217

San Enrique, Iloilo – Naging matagumpay ang first attempt ng bayan ng San Enrique, Iloilo na makabuo ng pinakalamaking Human Philippine Flag sa buong lalawigan ng Iloilo kasabay ng pagdiriwang kahapon ng ika-119 na anibersaryo ng Independence Day.

Sinabi ni Mayor Trixie Fernandez na mahigit anim na libong ka-tao ang sumali mula sa iba’t ibang sektor ng naturang bayan at gayundin sa suporta ng mga bisita mula sa ibang bayan.


Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ng alkalde sa lahat ng tumulong upang makamit nila ang tagumpay sa naturang aktibidad.

Naniniwala si Fernandez na sa pamamagitan nito, matulungan ang kanilang maliit na bayan na makilala at ma-promote ang local tourism industry ng San Enrique, Iloilo.
DZXL558

Facebook Comments