20-anyos na dalaga, pinugutan ng nobyo sa sementeryo sa Isabela

Alicia, Isabela – Patay ang isang 20-anyos na dalaga matapos pugutan ng kanyang nobyo sa loob ng isang sementeryo sa Barangay Aurora Alicia, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Mary Ann Colobong.

Kwento ng mga saksi, alas 12:00 nang tanghali noong linggo nang makitang pumasok sa sementeryo ang biktima at nobyo nitong si Erick Sampaga na nagtatalo at may bitbit pang patalim.


Pero pagsapit ng alas 4:00 nang hapon, doon na nakita ang katawan ng biktima sa ibabaw ng isang puntod habang iniwan ang ulo nito sa isang museleyo.

Tinutugis na ng mga otoridad ang suspek na pinaniniwalaang may problema sa pag-iisip.

Inaalam na rin ang motibo ng krimen.
DZXL558

Facebook Comments