Naniniwala ang Commission on Elections (COMELEC) na magkakaroon pa rin ng face-to-face campaigning sa May 2022 elections per limitado lamang.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, hindi naman tuluyang ipagbabawal ang face-to-face campaigning lalo na at karamihan ay walang access sa iba’t ibang paraan ng paghahatid ng impormasyon.
Dapat aniya tiyakin ng mga kandidato na may responsibilidad sila sa kanilang campaign activities at hindi ito mauwi bilang super spreader events.
Kumbinsido rin si Jimenez na maraming kandidato ang mangangampanya sa pamamagitan ng social media na ligtas na paraan ngayong pandemya.
Bukod dito mayorya ng mga kabataang Pilipino ay gumagamit ng Facebook, at Twitter.
Facebook Comments