Limited face-to-face classes, pwede nang gawin sa low-risk island provinces

Iminungkahi ni Senator Francis Tolentino na sa pagbubukas ng klase ngayong Setyembre ay ikonsidera ang pagsasagawa ng limitadong face-to-face classes sa mga island provinces na wala o mababa ang kaso ng COVID-19.

Inihalimbawa ni Tolentino ang Guimaras, Biliran, Batanes, at Camiguin kung saan may mababa o zero COVID-19 infection rate.

Sabi ni Tolentino, pwede itong gawin basta mahigpit na susundin ang minimum health protocol guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force o IATF.


Paliwanag ni Tolentino, napatunayan na hindi ubra na iasa lang ang pag-aaral sa blended learning curriculum na ipinatupad ng Department of Education (DepEd).

Diin ni Tolentino, ang kombinasyon ng online at modular learning ay hindi naging lubos na epektibo dahil sa sumasablay na internet connection sa bansa.

Dagdag pa ni Tolentino, ang mga guro na fully vaccinated o nakatanggap na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine ay malaking tulong para maisakatuparan ang limited face-to-face classes sa ilang piling lugar sa bansa na ligtas sa COVID-19.

Facebook Comments