LINDOL | 4.2 magnitude na lindol, yumanig sa Leyte

25

Leyte – Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Leyte kaninang ala-una ng madaling-araw.

Sa datos ng PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol may anim na kilometro sa northwest ng bayan ng Kananga, Leyte kung saan may lalim lamang ito na pitong kilometro.

Wala pang naitatalang ulat ng intensity o lakas ng paggalaw ng lupa ang PHIVOLCS sa mga lugar na naapektuhan ng pagyanig.

Wala din naitalang pinsala ang naturang lindol sa mga bahay at istruktura sa mismong sentro nito.

Facebook Comments