PASASABUGIN? | LTO Baguio branch, binulabog ng bomb threat

42

Baguio City – Pinaghahanap ng pulisya ang isang indibidwal na nagpadala ng bomb threat sa opisina ng Land Transportation Office (LTO) – Baguio branch.

Sa ulat, ipinadala sa hotline number ng ahensya ang text message na may bomba sa labas ng LTO-Baguio Branch, pasado alas-dos kahapon kung saan sasabog daw ito at sa huling mensahe ay may nakalagay na Allahu Akbar o “God is great.”

Agad na rumesponde ang pulisya at nagsagawa sila ng inspeksiyon sa compound ng ahensiya subalit nagnegatibo sa anumang pampasabog.

Isinailalim naman ang lahat ng tauhan ng LTO-Baguio sa refresher tungkol sa bomb threat protocol at security measures upang hindi na sila mag-panic pa kung sakaling maulit ang insidente.

Facebook Comments