Lindol naramdaman ngayong umaga sa Cotabato City

Nakaranas ng pagyanig ang ilang bahagi ng Central Mindanao alas syete bente ngayong umaga.

Sinasabing ang bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat ang naging Epicenter na nakapagtala ng 4.1 magnitude ayon kay Phivolcs Cotabato Seismologist Engr. Rainier Amilbahar sa panayam ng DXMY.

Bagaman naramdaman rin sa Cotabato City ang 2.2 magnitude na pagalaw ng lupa wala namang dapat ipagkabahala dagdag ni Engr. Amilbahar.


Patuloy naman ang panawagan ng Phivolcs na maging handa sa anu mang kalamidad lalo na sa lindol. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments