Lindol patuloy na nararanasan sa Central Mindanao,

Ilang pamamahay bukod pa sa mga gusali ang nawasak matapos yanigin ng 6.6 na magnitude na lindol ang malawak na bahagi ng Mindanao pasado alas 9 kaninang umaga

Sa panayam kay Phivolcs Cotabato Seismologist Engr. Rainier Amilbajar, sentro ng lindol ang bayan ng Tulunan North Cotabatao na nakapagtala ng Intensity 7

Intensity 7 rin sa Mlang, at Kidapawan City, habang Intesinty 5 sa Cotabato City.


Ilang indibidwal rin ang naisugod sa ospital sa North Cotabato matapos mabagsakan o madaganan ng mga gumuhong bahagi ng mga pamamahay at gusali

Sa arakan North Cotabato, 2 ang nasawi matapos madaganan ng gumuhong lupa

Nagpapatuloy naman ang ginagawang monitoring ng ibat ibang LGU magmula Maguindanao, North Cotabato

Samantala sinuspende rin ang klase sa halos ng lahat ng paaralan sa Central Mindanao.
Apektado rin ang linya ng komunikasyon . Mayat maya pa ring nararanasan ang pagalaw ng lupa. Pinakahuli pasado alas 4 ngayong hapon.

Facebook Pics





Facebook Comments