Monday, January 19, 2026

Lindol sa Lebak, Sultan Kudarat ibinaba ng PHILVOLCS sa Magnitude 4.4

Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) sa Magnitide 4.4 na lindol ang naunang Magnitide 5 na lindol kaninang 4:47 ng madaling araw sa Lebak, Sultan Kudarat.

Batay sa Earthquake Information Number 2 ng PHILVOLCS, nasa lalim na 10 km ang lalim ng pinagmulan ng lindol at ito ay Tectonic o pagbabanggan ng plates sa ilalim ng lupa.

Paliwanag pa ng PHILVOLCS, sa pamamagitan ng mga instrumento ng ahensiya ay naitala ang Instrumental Intensity II sa Kalamansig at Lambayong, Sultan Kudarat; Sto Niño, South Cotabato.

Intensity 1 sa Zamboanga City, Siocon, Zamboanga del Norte at Norala,South Cotabato.

Sabi ng PHILVOLCS, walang inaasahang damages at aftershocks sa nangyaring lindol.

Facebook Comments