
Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukalang batas na nagdedeklara sa May 16 kada taon bilang National Education Support Personnel Day.
Sa ilalim ng Republic Act 12178, magiging special working holiday ang May 16 kada taon para sa lahat ng teaching and non-teaching personnel sa pampubliko at pribadong paaralan, kolehiyo, unibersidad at iba pang educational institutions.
Kaugnay naman nito, inaatasan ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na manguna sa pagpapatupad ng taunang programa at aktibidad para sa pag-obserba sa National Education Support Personnel Day.
Inaaatasan din ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan, government-owned and controlled corporations, local government units at pribadong sektor na payagan ang kanilang mga tauhang lumahok sa mga aktibidad na ilulunsad ng DepEd at CHED.