
Pormal nang binuksan ng Philippine Red Cross (PRC) ang bagong Blood Collecting Unit (BCU)/ Blood Station (BS) nito sa Ospital ng Parañaque.
Ang PRC blood collecting unit/ blood station ay awtorisado ng Department of Health (DOH) na magkolekta ng dugo mula sa donors at sa pag-distribute nito sa mga pasyente.
Ang naturang blood facility na nasa ilalim ng Red Cross Rizal Chapter Parañaque City Branch ay ang ika-limang blood service facility ng nasabing chapter.
Ito rin ang ika-77 blood collecting units ng PRC sa buong bansa.
Ayon kay Red Cross Chairman and CEO Richard Gordon, ang pagbubukas ng panibagong blood facility ay bahagi pa rin ng commitment ng PRC na makapagsalba ng mga buhay at para matiyak na walang magiging kakulangan sa de kalidad na blood supply sa bansa.