Dinagsa ng humigit kumulang na limang libong beach goers ang Lingayen Beach sa Lingayen Pangasinan nitong nakaraang long weekend ayon sa Provincial Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.
Kaunti umano ang dumagsa dito sa araw ng undas dahil mas inuna umano ng mga ito ang pumunta sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ngunit mas dinagsa ito araw ng Sabado at Linggo.
Kasabay ng dagsa ng tao ay nagkaroon ng tala ng near drowning incident sa naturang beach kung saan tatlong bata ang muntik malunod matapos hampasin ng malakas na alon habang naliligo.
Samantala, apat ding kabataan ang muntik malunod matapos maligo sa dagat ng nakainom.
Ang mga ito umano ay mabilis narespondehan ng mga nakastandby na lifeguards at mga medical assistance sa naturang beach kung kaya’t walang naitalang nasawi.
Sa ngayon ay magpapatuloy pa rin ang pagbabantay nila sa beach dahil patuloy itong dinadagsa ng mga tao.
Lingayen Beach sa Pangasinan dinagsa ng beach goers noong long weekend, near drowing incident naitala
Facebook Comments