Cauayan City, Isabela- Hindi pa tatanggalin ang pagpapatupad ng liqour ban sa Lalawigan ng Isabela pagkatapos ng May 15 sa taong kasalukuyan.
Ayon kay Atty. Randy Arreola, ito’y dahil na rin sa mas pinalawig na liqour ban ordinance upang mas mahigpitan at disiplinahan ang mga tao sa pag-inom ng alak tuwing may kalamidad, sakuna o krisis na nararanasan sa Lalawigan ng Isabela.
Nilinaw nito na ang liqour ban ay hindi lamang ipinapatupad sa tuwing may bagyo o kalamidad at dahil sa mas pinalawak na sakop ng liqour ban ordinance ay maaari itong iimplimenta ng isang lugar dipende pa rin sa sitwasyon nito.
Kaakibat din ng ordinansang ito ay pagmumultahin ang sinumang mahuhuli na bibili, iinom at magbebenta ng alak o lumabag sa liqour ban.
Sa kasalukuyan ay pinaiiral pa rin ang liqour ban sa lambak ng Cagayan habang nasa ilalim pa rin ng tinatawag na ‘new normal’ o General Community Quarantine.