Aalisin na ng lungsod ng Valenzuela ang umiiral na liquor ban mula Oktubre 15 at sisimulan ang pagpapatupad ng ‘Liquor Regulation During the Pandemic Ordinance’.
Alisunod ito sa pagpapawalang-bisa ni Mayor Rex Gatchalian sa ‘Stay Sober Ordinance’ o
Liquor Ban Ordinance.
Sa ilalim ng bagong ordinansa, hindi pwedeng magtinda ng alak tuwing curfew hours, alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.
Ipinagbabawal rin ang pagbebenta ng alak sa menor de edad at buntis habang bawal pa rin ang pag-inom sa mga pampublikong lugar.
Maliban dito, hindi rin pinapayagan ang hiraman o tagayan ng baso bilang pagsunod sa health and safety protocols at ang pakalat-kalat sa kalsada kapag lasing.
May limitasyon din ang dami ng pwedeng ibentang alak ng mga establisimyento.