Liquor ban, inalis na sa Quezon City sa ilalim ng GCQ

Bagama’t muling pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga business establishment na muling makapagbenta ng alak sa publiko, nililimitahan ito sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) simula ngayong araw.

Nilinaw ng pamahalaang lungsod na maaari lamang itong gawin tuwing window hours mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.

Maging ang restaurants, hotels at iba pang tourism establishments sa lungsod ay pinayagan na rin pero limitado lang sa dalawang servings ang puwedeng ibigay sa dine-in customers.


Ipinagbabawal pa rin ang pag-inom ng alak sa labas o sa mga sidewalk maliban sa loob ng bahay pero walang ibang kasama.

Kaugnay nito hiningi ng Local Government Unit (LGU) ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng publiko at mga negosyante na sumunod lamang sa health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

Facebook Comments