Liquor Ban, Muling Ipinatupad; 2 Barangay naka-total lockdown

Cauayan City, Isabela-Isinailalim sa total lockdown ang dalawang barangay na kinabibilangan ng Centro 9 at Linao West habang zoning containment sa zone 3 ng barangay Pengue Ruyu partikular sa pineapple at mango street.

Ayon kay Lenie Umoso, tagapagsalita ng LGU Tuguegarao, ito ay makaraang makapagtala ng maraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung kaya’t kinakailangan na makontrol ang lalo pang pagkalat ng virus.

Batay sa executive order. 90, tatagal ang lockdown ng Brgy. Linao West hanggang September 27 maging ang zoning containment ng zone 3 ng Brgy. Pengue Ruyu habang sa executive order no. 94 ang barangay ng Centro 9 ay hanggang September 23.


Ayon naman kay Vice Mayor Bienvenido de Guzman III, kinumpirma niya na may 35 aktibong kaso ng COVID-19 ang siyudad habang nagpapatuloy pa rin ang pagsasailalim sa mga swab test ng iba pang nakasalamuha ng mga naunang nagpositibong pasyente sa siyudad.

Ipapatupad naman sa lungsod ng Tuguegarao ang Liquor Ban sa ilalim ng executive order no. 93 simula ngayong araw at tatagal hanggang September 30.

Samantala,nagpositibo naman sa virus ang 9 na katao at pawang mga bata mula sa 23 katao na orihinal na isinailalim sa swab test.

Ipinag-utos ni Acting Mayor De Guzman ang pagbabantay ng mga opisyal ng barangay sa lahat ng mga residente nito na walang suot na face mask at face shield kapag bibili sa mga talipapa habang ipasasara naman ang mga nagmamay-ari ng maliliit na establisyimento kung wala ring suot na proteksyon ang mga nagbebentang negosyante.

Facebook Comments