Liquor ban, paiiralin sa Kapistahan ng Sto. Niño sa Maynila

Mahigpit na ipatutupad ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang “liquor ban” sa mismong araw ng Kapistahan ng Sto. Niño sa lungsod.

Partikular itong paiiralin ang liquor ban sa area ng Tondo at Pandacan, Maynila.

Batay sa nilagdaang EO No. 3 ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, simula Enero 14, 2023 hanggang 15, 2023 ay mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta, at pag-inom ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa lahat ng lugar na nasasakupan ng Sto. Niño de Tondo Parish at Sto. Niño de Pandacan.


Layunin nito na mapanatili ang “peace and order” sa mga naturang lugar sa pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño.

Facebook Comments