Lisensya ng driver na naka-hit-and-run sa isang senior citizen sa Maynila, sinuspinde na ng LTO

Photo Courtesy: LTO Facebook Page

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng driver na nakabangga sa isang babaeng senior citizen sa Maynila kamakailan.

Ayon kay Renante Melitante, Officer-in-Charge ng Intelligence and Investigation Division ng LTO, sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng driver, na siya ring kasalukuyang may-ari ng sasakyan.

Kinumpiska na rin ang driver’s license nito ng Intelligence and Investigation Division ng LTO.


Nauna nang ipinatawag ang driver ng LTO Central Office para magbigay ng paliwanag hinggil sa kaniyang kaso.

Magugunita, nangyari ang insidente sa Dapitan, Maynila kung saan isang babaeng senior citizen ang nabangga ng sasakyan ng driver at nagdulot ng physical injuries sa matandang babae.

Agad namang tumakas ang driver kasama ang sasakyan matapos ang insidente.

Facebook Comments