Lisensya ng mga miyembro ng ACT, planong ipakansela ng PNP sa PRC

Ikinukunsidera ng Philippine National Police (PNP) na hilingin sa Professional Regulation Commission (PRC) na kanselahin ang lisensya ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na konektado sa mga rebeldeng komunista.

Ito ay matapos umapela ang ACT sa Court of Appeals (CA) na irekonsidera ang desisyong nagbasura sa kanilang petisyon para pigilan ang PNP sa pagsasagawa ng surveillance at profiling ng mga private at public school teachers.

Ayon kay Albayalde – ibinasura na ng appellate court ang kanilang petisyon at may karapatan silang magsampa ng kaso laban sa kanila kapag nagkaroon sila ng ebidensyang nagpapatunay na may partisipasyon sila sa rebelyon.


Aniya, nasa proseso na sila ng pangangalap ng ebidensya laban sa ACT.

Gayumpanan, ang profiling ng ACT members ay hindi na itutuloy at bahagi lamang ito ng intelligence efforts para sa national security.

Nabatid na sinabi ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairperson Jose Maria Sison na isa sa kanilang legal fronts ang ACT.

Facebook Comments