Listahan ng mga bansang bahagi ng travel ban laban sa COVID-19 variant, regular na i-a-update – DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na regular na i-a-update ang listahan ng mga bansang sakop ng travel restrictions ng Pilipinas para maiwasan ang pagpasok ng bagong COVID-19 variant.

Ito sa harap ng dumaraming bansang nakakapagtala ng presensya ng bagong uri ng virus.

Ayon sa DOH, magkakaroon sila ng joint recommendations ng Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa mga bansang maaaring isama sa travel ban.


Ang isang bansa ay mapapasama sa ban kapag nakapag-ulat ang kanilang pamahalaan ng bagong kaso ng variant sa pamamagitan ng kanilang official channels at nag-abiso sa International Health Regulations.

Sa ngayon, nasa 20 bansa ang sakop ng travel ban laban sa bagong variant ng COVID-19 na unang nadiskubre sa United Kingdom.

Facebook Comments