Listahan ng mga bawal na paputok ngayong holiday season – pinamamadali na ng PNP at mga LGU

Manila, Philippines – Tatlumpu’t apat na araw bago ang pasko, pinamamadali na sa Philippine National Police at ilang local government unit ang pagpapalabas ng listahan ng mga ipagbabawal na paputok at pailaw sa bansa.

Nauna ng naglabas ng direktiba si DILG Officer in Charge Catalino Cuy matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order no. 28, ang regulasyon kaugnay sa paggamit ng mga paputok at pailaw.

Sa ilalim ng E.O. 28 alinsunod sa republic act 7183 ang PNP ang magpapakalat ng pamantayan kung ano ang mga ipagbabawal na paputok at pailaw 30 araw matapos magkaroon ng bisa ang naturang E.O. na nalagdaan pa noong June 20.


Nabatid na ang PNP at ilan pang concerned government agency ang bubuo ng Implementing Rules and Regulation o IRR at guidelines para sa mga lugar kung saan maaaring magpaputok.

Facebook Comments