Listahan ng mga benepisyaryo ng SAP sa Region 1, nasa website na ng DSWD

San Fernando, La Union – Higit 20,000 benepisyaryo na lamang ang inihahabol na mabigyan ng ayuda sa rehiyon uno sa ilalim ng Social Amelioration Program ng DSWD. Ayon kay Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo, ang listahan ng mga benepisyaryo ng nakatanggap sa SAP sa rehiyon ay nakapost na sa kanilang website.

Pakiusap ni Castillo, tignan lamang ang listahan ng kanilang barangay upang maiwasan ang pagkukumpara. Bagamat may mga pangalang nadoble umano, ito ay inaayos na ng ahensya. Umapila din ito sa mga benepisyaryong nakatanggap ng doble dobleng ayuda, na ibalik ang sobra upang maitulong pa sa mga mas nangangailangan. Samantala, tatlumput limang bayan na ang nakapagsumite ng kanilang liquidation at nakatakdang dumaan sa validation sa rehiyon.

Narito ang link para sa nasabing listahan fo1.dswd.gov.ph/social-amelioration-program/


Facebook Comments