Listahan ng mga comorbidities na prayoridad sa pilot implementation ng pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17, inilabas na ng DOH

Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga comorbidities ng mga edad 12 hanggang 17 na prayoridad sa pilot implementation ng pediatric COVID-19 vaccination sa Oktubre 15.

Kabilang na rito ang mga sumusunod:

1. Medical complexity
2. Genetic conditions
3. Neurologic conditions
4. Metabolic / endocrine
5. Cardiovascular disease
6. Obesity
7. HIV infection
8. Tuberculosis
9. Chronic respiratory disease
10. Renal disorders
11. Hepatobiliary


Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario, kailangan may clearance ng doctor ang mga kabataan na may comorbidities na babakunahan gayundin ang consent ng magulang na dapat pipirma sa dokumento at may assent o pagpayag ng batang babakunahan.

Nilinaw naman ni Vergeire na hindi maaaring ilabas ang iba pang ospital kung saan gagawin ang pilot implementation ng pediatric vaccination dahil may proseso o kasunduan pa sa naturang mga ospital na dapat gawin.

Una nang inilabas ng DOH na kasama sa pediatric vaccination ang Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila at Philippine Heart Center (PHC) at National Children’s Hospital (NCH) sa Quezon City.

Facebook Comments