Iniutos ng Philippine Competition Commission sa Grab Philippines na ibalik sa mga Grab riders ang limang milyong pisong sobrang siningil nito noong 3rd quarter ng 2019.
Ayon kay Commissioner Johannes Bernabe, tinanggap ng PCC ang alok ng Grab sa kanilang inihaing Voluntary Commitment noong Oktubre.
Nakasaad sa offer na sa halip na patawan sila ng parusa dahil sa paglabag sa price threshold noong Pebrero hanggang Mayo, magpapatupad na lamang sila ng refund sa kanilang mga customer.
Binigyan ng PCC ng 60 araw ang Grab para mabigyan ng kaalaman ang kanilang mga naging parukyano kung paano i-avail ang refund.
Imomonitor din ng PCC ang Grab sa loob ng isang taon upang matiyak na makatutugon ito sa pantay na kumpetisyon sa ride-hailing Industry.
Facebook Comments