Inilabas na ng Department of Interior and Local Government o DILG ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic devices.
Ito ay ang mga sumusunod:
– Watusi – Picolo – Super lolo – Atomic triangle – Large judas belt – Large bawang – Pillbox – Boga – Goodbye philippines – Bin laden – Mother rocket – Lolo thunder – Coke-in-can – Atomic bomb – Five star – Pla-pla – Giant whistle bomb – Kabasi
Sinumang mahuli na gumagamit ng mga ito ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang isang taon at pagmumultahin pa ng P30,000.
Pinapayagan naman ang ilang paputok pero sa mga designated firecracker zones area lamang.
– Baby rocket – Bawang – El diablo – Judas belt – Paper caps – Pulling of stringers – Small triangulo
Habang mayroon namang pwedeng gamiting paputok sa labas ng firecracker zones are:
– Butterfly – Fountain – Jumbo, regular and special luces – Mabuhay – Roman candles – Sparklers – Trompillo – Whistle device
Samantala, mayroong mga lungsod na ang tuluyang ipinagbawal ang pagpapaputok ito ay ang Marikina City, Pasig City at Quezon City.
Tanging ang papayagan lang ay ang community fireworks display.