Manila, Philippines – Ilalabas na susunod na linggo ng Commission on Higher Education ang listahan ng mga State Universities at Colleges na mga pinayagan ng tuition hike.
Pero paglilinaw ni CHED Chairperson Patricia Licuanan, mas kaunti ang inaprubahan nila para magtaas ng matrikula kumpara noong nakaraang taon.
Hindi na rin anya bago ang pagtaas ng matrikula taun-taon.
Ang kaibahan lang ay may inilatag silang bagong sistema o guidelines na nagdetermina sa pag-apruba ng tuition hike.
Kung taas aniya ang halaga ng matrikula na hingit sa guidelines ng CHED ay kailangan itong i-justify ng paaralan.
Kinumpirma naman ni Engr. Ronaldo Liveta, CHED OIC Director for Student Deployment and Services, na nasa 300 mga SUC’s ang naghain ng aplikasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Tiniyak naman ng CHED na binabantayan nilang mabuti kung katanggap-tanggap ang aplikasyon ng mga SUC’s na magtaas ng matrikula.
* DZXL558*