LISTAHAN NG MGA KWALIPIKADONG KABATAANG DAGUPEÑO NA NAPABILANG SA SCHOLARSHIP PROGRAM NGUNIT HINDI PA NAKAKATANGGAP NG GRANT, PATULOY ANG PAGPROSESO

Nagpapatuloy ang pagproseso ng City Accounting Office at ilang pang kawani ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pagsusuri ng listahan ng mga pangalan ng napabilang sa Scholarship Program bagamat hindi pa nakakatanggap ng Scholarship grant.
Dagdag pa ang mga bilang ng naitalang 2, 300 na kabuuan ng mga scholars at hindi pa napabilang sa 781 na mga unang nakatanggap ng grants, at 264 naman sa ikalawang batch ng release ng scholarship fund.
Matatandaang na delay ng ilang buwan ang pagrelease ng pondo nakalaan para sa pangtustos sa pag-aaral ng mga estudyante sa kadahilanang sumailalim pa ang mga dokumentong iturnover ng nakaraang administration sa masusing validation process.
Tiniyak din ang ilang guidelines na kinakailangang nasunod upang mapabilang sa tatanggap ng Scholarship na P20, 500. Ilan lamang sa guidelines ay ang certificate of Indigency, residency, pasadong copy of grades na verified ng paaralang pinapasukan at ilan pa.
Samantala, ang mga estudyante namang hindi pa napapabilang ang pangalan sa mga tatanggap ay abala ring nagtungo sa opisina upang ayusin at tukuyin anong kulang sa kanilang mga pinasang requirements at gawan ito ng aksyon.
Facebook Comments